Comelec gun ban suspendido
MANILA, Philippines -- Dahil hindi pa matiyak kung matutuloy ang Sanguniang Kabataan (SK) elections, ipinagpaliban muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng 45-araw na gun ban.
Sinani ni Comelec chairman Sixto Brillantes sa kanyang panayam sa dzMM na bukod sa gun ban ay suspendido rin ng 15 araw ang election period.
Ipinaliwanag ni Brillantes na base ito sa rekomendasyon ni Gun Ban Committee Chairperson Commissioner Al Parreño.
Dagdag niya na kung tuluyang ipagpapaliban ang SK elections ay wala nang ipatutupad na gun ban.
Sa kasalukuyan ay ang Kamara pa lamang ang naglabas ng desisyon upang ipagpaliban ang halalan.
Samantala, inamin ni Brillantes na mas makabubuti kung isasabay na lamang sa Barangay elections ang halalan sa SK.
"Ang dami ho naming ginagawa ngayon para sa 2016 elections. Makakaabala ho itong eleksyon ng SK ngayong February 21," wika niya.
Magsisimula sana ang gun ban ngayong araw, 30 araw bago ang halalan.
- Latest