^

Bansa

‘Lahat anak ng Diyos’ - Pope

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

 “The greatest sin is to forget that we are children of God.”

MANILA, Philippines – Ito ang buod ng mensahe ni Pope Francis sa ginanap na Banal na Misa sa Quirino Grandstand na dinaluhan ng milyun-milyong katao, kahapon.

Sinabi ng Santo Papa na huwag kakalimutan ng bawat isa na tayong lahat ay anak ng Diyos.

Iginiit din ni Pope Francis sa mga Katolikong Filipino na iwasan ang magkasala at huwag papadala sa temtasyon dahil ito ang  ‘great threat’ sa Plano ng Diyos.

“Sometimes, when we see the troubles, difficulties and wrongs all around us, we are tempted to give up. It seems that the promises of the Gospel do not apply. But the Bible tells us that the great threat to God’s plan for us is, and always has been, the lie,” wika ng Santo Papa.

Sinabi pa ng Papa sa kanyang sermon na huwag magpapadaig sa modernong bitag na magiging balakid sa tunay na pananampalataya sa Diyos.

“The devil is the father of lies. Often he hides his snares behind the appearance of sophistication, the allure of being ‘mo­dern’, ‘like everyone else’. He distracts us with the promise of ephemeral pleasures, superficial pastimes. And so we squander our God-given gifts by tinkering with gadgets; we squander our money on gambling and drink; we turn in on ourselves. We forget to remain focused on the things that really matter,” giit pa ng Santo Papa sa kanyang homily.

Aniya, ang mga kasa­lanan na taliwas sa turo ng Diyos ay ang ugat ng patuloy na kahirapan.

Sa pagtatapos ng homily, nag-wish ang Santo Papa sa Sto. Niño na basbasan ang mamamayang Pilipino. “May the Sto. Niño continue to bless the Philippines.”

Hiniling naman ni Cardinal Tagle sa Santo Papa na gabayan at ipagdasal ang sambayanang Pilipino bago ang kanyang pag-alis sa bansa.

Umikot ang sasakyan ng Santo Papa sa Quirino Grandstand upang malapitan at makawayan ang mga tao na dumalo sa banal na misa bago tulu­yang bumalik sa Apostolic Nunciature. (Dagdag ulat ni Ellen Fernando)

APOSTOLIC NUNCIATURE

BUT THE BIBLE

CARDINAL TAGLE

DIYOS

ELLEN FERNANDO

POPE FRANCIS

QUIRINO GRANDSTAND

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with