100% kooperasyon sa misa ni Pope sa Luneta, hiling
MANILA, Philippines – Umapela kahapon si DILG Secretary Mar Roxas ng 100% na kooperasyon mula sa milyun-milyong debotong Katoliko na dadalo sa isasagawang Banal na Misa ni Pope Francis sa Luneta ngayong araw.
Kasabay nito, nanawagan rin ang Kalihim sa lahat ng mga dadalo sa misa sa Quirino grandstand na agahan ang kanilang pagpunta dahil sa mahigpit na security inspection na isasagawa ng kapulisan.
Magiging alisto ang kapulisan bunsod ng pagdadala ng mga kasuotan tulad ng jacket ng mga deboto bilang pangontra sa ulan.
Tiniyak naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, tumatayong chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakatutok ang national disaster sa lagay ng panahon upang makagawa ang Special Task Force for the Pope’s Visit ng kailangang pagbabago sa mga aktibidad ng Santo Papa kung kailangan.
Naging maayos ang pagpapatupad ng seguridad bunga ng kooperasyon ng mamamayan na inaasahan nilang magpapatuloy hanggang sa huling araw ng papal visit sa bansa.
- Latest