Pope Francis nag-sorry sa maiksing bisita sa Leyte
MANILA, Philippines – Bakas sa mukha ng Santo Papa ang panghihinayang matapos mabago ang kanyang schedule sa Leyte dahil sa bagyong “Amang.”
Napaaga ang dating at alis ni Pope Francis sa bayan ng Tacloban at Palo dahil inaasahang bandang hapon mararamdaman ng matindi ang epekto ng unang bagyo ngayong taon.
Sinabi ng Santo Papa na nalulungkot siya sa pangyayari dahil may inihanda pa naman siya para sa mga survivor ng bagyong “Yolanda.”
Kaugnay na balita: Maulang Tacloban sumalubong kay Pope Francis
"I apologize to you all. I'm sad about this, truly saddened, because I have something prepared especially for you. But let us leave everything in the hands of our Lady because I have to go now," pahayag ni Pope Francis.
Ayon pa sa kanya ay desisyon ng mga piloto na umalis ng ala-1 ng hapon, mas maaga sa nakatakdang biyahe na alas-5 ng hapon.
"There is a storm unfortunately around us and the pilots of the airplane have insisted that we have to leave at 5 p.m. because the weather forecast says that after 1 p.m. it's going to be worse."
- Latest