'Hindi kayo binigo ni Hesus' – Pope Francis
MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagtulo ng luha mula sa mga survivor ng bagyong “Yolanda” habang ibinibigay ni Pope Francis ang kanyang homily ngayong Sabado.
Kahit Espanyol ang kanyang pahayag, na isinalin naman ng isang translator sa wikang Ingles, tumagos sa puso ng mga Taclobanons ang mensahe ng Santo Papa.
Ipinaalaala ng Santo Papa sa publiko na sa kabila ng trahedyang ay hindi sila iniwan ni Hesus.
Kaugnay na balita: Maulang Tacloban sumalubong kay Pope Francis
"You might say to me, 'I was let down because I lost so many things... It's true, and I respect those sentiments ,but Jesus there nailed to the cross and from there He does not let us down."
Ipinadama ni Pope Francis ang kanyang simpatya sa mga biktima ng Yolanda noong 2013, kung saan libu-libong katao ang nasawi,
"So many of you have lost everything. I don't know what to say to you but the Lord does know what to say to you. Some of you lost part of your families. All I can do is keep silent and I walk with you all with my silent heart,” wika ni Pope Francis.
"This is what comes from my heart and forgive me if I have no other words to express this, but please know Jesus never lets you down."
Sa unang bahagi ng kanyang Homily ay ikinuwento niya na nang makita ang sinapit ng Tacloban ay nais na niyang magtungo.
"When I saw from Rome that catastrophe, I felt that I need to be here."
- Latest