^

Bansa

20 hinimatay sa Manila Cathedral

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 20 katao ang nangailangan ng first-aid matapos mahimatay sa harap ng Manila Cathedral dahil sa pag-aabang sa Pontifical Mass ni Pope Francis.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), karamihan sa mga nahimatay ay hindi pa kumakain o kaya’y kulang sa tulog matapos mag-overnight vigil nitong Huwebes ng gabi. 

Mabilis naman ang naging tugon ng PRC na  nakaantabay sa Andres Soriano Jr. Avenue. 

Kabilang ang mga pasyente sa laksa-laksang naghintay sa pagbubukas ng gate ng simbahan upang makiisa sa Eukaristiya ng Santo Papa.

Napanood ang selebrasyon ng misa sa tulong ng malalaking LED screens at speakers na inilagay sa labas ng simbahan. 

Noong Huwebes, dalawa din ang naiulat ng  Manila Disaster Risk Reduction Management Council na  nirespondenhan ng kanilang mga tauhan.

Si Jose Makiling, 70 na inatake  ng highblood ay kasalukuyan ngayong nasa PGH habang pagkahilo naman si Kim Cordero, 76.

ANDRES SORIANO JR. AVENUE

KIM CORDERO

MANILA CATHEDRAL

MANILA DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

NOONG HUWEBES

PHILIPPINE RED CROSS

PONTIFICAL MASS

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SI JOSE MAKILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with