Pope Francis nag-courtesy call kay Aquino
MANILA, Philippines - Nagtungo ng Malacañang ngayong Biyernes si Pope Francis upang magbigay ng courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III.
Umalis ang Santo Papa sa Apostolic Nunciature sa Malate, Manila bandang 8:53 ng umaga at dumating sa Palasyo ganap na 9:20 ng umaga.
Hindi ginamit ng Santo Papa ang pope mobile bagkus ay sumakay ito sa isang closed Volkswagen vehicle.
Hindi binigo ni Pope Francis ang mga taong nag-aabang sa kanya sa kalsada matapos niyang ibaba ang bintana at kumaway at ngumiti sa publiko.
Dumating kanapon ang Santo Papa at aalis ng bansa sa Lunes.
Nakatakdang magdaos ng misa mamaya sa Manila Cathedral si Pope Francis kasama ang mga obispo at pari.
Makakasama din ng Santo Papa ang ilang pamilya mamayang gabi sa Mall of Asia Arena.
- Latest