^

Bansa

Yosi isantabi muna sa misa ni Pope

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok ni DILG Sec. Mar Roxas ang mga dadagsa sa isasagawang misa ni Pope Francis sa Quirino Grandstand na huwag maninigarilyo.

Ang panawagang ito ay kasabay sa idinaos na security briefing bilang paghahanda sa final mass sa Quirino Grandstand sa darating na Linggo.

Dapat aniya na ituring ang venue bilang ‘place of worship’ tulad ng gawi sa anumang uri ng simbahan, kahit isang pampublikong lugar ang Quirino Grandstand.

Kahit isang araw lamang umano ay isakripisyo na ang paninigarilyo tulad ni Pangulong Aquino na iiwasang manigarilyo sa Linggo, ani Roxas.

Inaasahang humigit kumulang sa 5-milyon ang magtutungo sa misa na isasagawa alas-3:30 ng hapon hanggang alas-6:00 ng hapon.

Alas 6:00 pa lamang ng umaga ay bukas na sa publiko ang itinayong entrance points sa Ma. Orosa st., kung saan dapat pumila papasok ang mga dadalo sa misa. Dadaanan nila ang may 30 walkthrough metal scanners, habang may mga pulis din na itinalaga para sa hand-held scanners para sa ikabibilis ng body search.

DADAANAN

DAPAT

HINIMOK

INAASAHANG

KAHIT

LINGGO

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

POPE FRANCIS

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with