^

Bansa

‘Amang’ nasa PAR na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsi­bility (PAR) ang tropical storm Amang na sinasabing magpapa-ulan sa pagbisita sa ating bansa ni Pope Francis.

Ayon sa Pagasa, napanatili ni Amang ang kanyang lakas habang patuloy ang pagkilos sa may Philippine Sea.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Amang ay nasa layong 905 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at may pagbugso na 80 kilometro bawat oras.

Si Amang ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.

Ngayong Biyernes ng umaga, si Amang ay inaasahang nasa layong 615 km silangan ng Catarman, Northern Samar at sa Sabado ay nasa 230 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa Linggo ng umaga inaasahang si Amang ay nasa layong 180 km silangan ng Casiguran, Aurora.

Bunga nito, sa pamamalagi ni Pope Francis sa bansa partikular sa Luzon at Visayas ay uulanin dulot na rin ng dalang ulan ng bagyo.

AMANG

AYON

EASTERN SAMAR

NGAYONG BIYERNES

NORTHERN SAMAR

PHILIPPINE AREA OF RESPONSI

PHILIPPINE SEA

POPE FRANCIS

SA LINGGO

SI AMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with