'Amang' nasa Pinas na
MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong "Amang" ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 950 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ni Amang ang lakas na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.
Tinatayang uusog sa 640 kilometers silangan ng Guiuan ang bagyo bukas at 80 kilometers silangan ng Legaspi sa Sabado ng umaga.
Sinabi pa ng PAGASA na maliit ang tsansa na tumama sa kalupaan ang bagyo, ngunit asahang magdadala ito ng pag-ulan sa Luzon at Visayas.
Samantala, inaasahang uulanin ang pagbisita ni Pope Francis sa Tacloban City sa Sabado.
Darating sa bansa ngayong hapon ang Santo Papa para sa state at apostolic visit hanggang Lunes.
- Latest