Pag-aari ng Harbor Centre hindi kinumpirma ng CA – One Source
MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ng Court of Appeals na wala silang ginagawang kumpirmasyon na pag-aari ni Reghis Romero ang Harbour Centre Port Terminal Inc.
Hindi rin binaligtad ng CA ang naunang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court na nagbabawal kay Romero na sabihin na siya ang may-ari ng Harbour Centre.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Cyrus Paul Valenzuela, pangulo ng One Source Port Support Services, Inc., sa naunang balita na pinaboran ng Court of Appeals si Romero sa usapin ng pag-aari ng Harbour Centre.
Walang ginawang paghahatol o pagkumpirma ang Court of Appeal sa usapin ng pagmamay-ari ng Harbour Centre, ayon kay Valenzula.
Nagpataw lamang ang Court of Appeals ng 60-araw ng temporary restraining order upang ipatigil ang implementasyon ng dawalang kontrata sa pagitan ng One Source at Harbour Centre.
Ito ang 2011 ancillary services contract at 2014 port management contract sa pagitan ng dalawang kumpanya.
Sinabi rin ni Valenzula na nag-isyu si RTC Judge Rolando Mislang ng writ of preliminary injunction noong Disyembre 19 upang pigilan si Romero na ipangalandakan niya na siya ang may-ari ng Harbour Centre.
Ayon kay Valenzuela, ibinenta ng dalawang kumpanyang pag-aari ni Romero – ang R-II Builders, Inc. at R-II Holdings, Inc. – ang kanilang shareholdings sa Harbour Centre noon Marso 2, 2011.
- Latest