Coast Guard handa na sa Papal visit
MANILA, Philippines – Naglatag na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay para magsilbing marker ng bahagi ng karagatan na ipinagbabawal na daanan ng anumang uri ng sasakyang pandagat sa mga araw ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis.
Ito’y kaakibat ng ipatutupad na “no sail zone” sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa loob ng isang milya mula sa break water.
Isang maritime shipping conference ang isinagawa kahapon sa pangunguna ni Commodore Joel Garcia, District Commander ng Philippine Coast Guard NCR-Central Luzon kung saan muling ipinaalala ang “no sail zone”.
Inabisuhan din ang mga shipping company na sila ay papayagang maglayag basta’t hindi papasok sa bahagi ng Manila Bay na ipinagbabawal.
Sa mga maglalayag na sasakyang pandagat, kailangan umanong may kasama silang sea marshals.
Nagkaharap sa pulong sina Garcia sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at DILG Secretary Mar Roxas, na pawang kasama sa isinagawang occular inspection sa Quirino Grandstand at north harbor.
- Latest