^

Bansa

Walang ‘terror threat’ sa Papal visit – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang inisyung ‘terror threat ‘ ang liderato ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Officer-in-Charge Deputy Director Leonardo Espina upang pasubalian ang napaulat na mayroon umanong ‘terror watch’ na isinasagawa ang PNP para sa papal visit kaugnay ng posibilidad na manabotahe ang mga terorista.

Si Pope Francis ay bibisita sa bansa mula Enero 15 hanggang 19 kung saan magtutungo ito sa ilang makasaysa­yang lugar sa lungsod ng Maynila kabilang sa Manila Cathedral sa Intramuros; Quirino Grandstand sa Luneta, University of Sto. Tomas gayundin sa Tacloban City.

“As of now the PNP has not received any threat or particular information detailing a threat in connection with the Pope’s visit,” pahayag ni Espina.

Sa pahayag naman ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, sinabi nito na walang namomonitor ang intelligence operatives ng militar na seryosong banta mula sa mga teroristang grupo sa papal visit sa mga venues na tutunguhin ng Sto. Papa.

Ayon kay Padilla sa kasalukuyan ay ang ‘crowd control’ ang pinagtutuunan nila ng atensyon kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng milyong katao sa mga venue na tutunguhin ng Sto. Papa.

Samantala, nakala­tag na ang lahat ng pag­hahan­da ng gobyerno para sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, handa na ang lahat para sa pagbisita ni Pope Francis kasabay ang panawagan mismo ni Pangulong Aquino kagabi sa taumbayan na makiisa sa paniniyak ng seguridad ng Santo Papa.

Limitado lang sa 70 local at foreign mediamen ang magkokober sa Kalayaan grounds ng Palasyo para sa arrival honors kay Pope Francis, sa signing ng guest book sa Music room at bilateral meeting ng dalawang lider.

Nakakabit na rin ang watawat ng Vatican City at may tarpauline na may katagang “Welcome Lolo Kiko” sa Saint Michael the Archangel dito sa kahabaan ng JP Laurel street.

Hiniling din ng Ma­lakanyang sa publiko na dumaan sa alternatibong ruta at iwasan ang Villamor airbase hanggang sa Apostolic Nunciature sa Taft Ave., Manila dahil sa isasagawang simulation o dry run ng convoy ng Sto. Papa.

Inihayag naman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na may 3 pope mobile silang inihanda na puwedeng pagpilian ni Pope Francis habang nasa Pilipinas ito. (May dagdag na ulat nina Doris Franche-Borja at Rudy Andal)

APOSTOLIC NUNCIATURE

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE-BORJA

MANILA CATHEDRAL

OFFICER-IN-CHARGE DEPUTY DIRECTOR LEONARDO ESPINA

POPE

POPE FRANCIS

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with