^

Bansa

Basura sa traslacion ikinairita ng Ecowaste

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagkairita ang iba’t ibang environmentalist groups sa pangunguna ng grupong Ecowaste Coalition bu­nga ng basurang nagkalat sa mga daan sa isinagawang traslacion  ng Itim na Nazareno.

Binigyang diin ni Ai­leen Lucero ng Ecowaste Coalition, nilapastangan ng mga namamata sa Nazareno ang Ecological Solid Waste Act at ang Manila Ordinance 8282 na nagbabawal sa pagkakalat ng mga basura gayundin sa paggamit ng mga plastic at styrofoam.

Gayundin ay nawasak ng mga namamanata ang mga halaman na natapakan at nahigaan ng mga deboto.

Marami rin anilang mga lumabag sa Tobacco Regulation Act dahil sa ginawang pagbebenta ng mga sigarilyo na naging ugat din ng basura sa traslacion.

Bagamat mahirap na anyang mapanagot ang mga deboto na gumawa ng mga paglabag sa na­turang mga batas at patakaran ay dapat sanang unawain ng bawat isa sa mga ito ang tamang pagdidisiplina sa pagtatapon ng kanilang basura at tamang pangangalaga sa kalikasan.

Kinastigo rin ng grupo ang lokal na pa­mahalaan ng Maynila kung bakit hindi napag­handaan ang ganitong mangyayari oras na matapos ang pagdiriwang sa kapistahan ng itim na Nazareno.

BAGAMAT

BINIGYANG

ECOLOGICAL SOLID WASTE ACT

ECOWASTE COALITION

GAYUNDIN

MANILA ORDINANCE

NAZARENO

TOBACCO REGULATION ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with