9 lugar ‘firearms free zone’ sa Papal visit
MANILA, Philippines - Siyam na lugar ang idineklarang ‘firearms free zone’ ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang seguridad sa loob ng limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa.
Una rito, kinansela ng PNP ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) mula Enero 15-19, ang araw na bibisita ang Santo Papa sa ilang mga piling venues.
Sinabi ni PNP spokesman P/Chief Supt. Wilben Mayor na ang mga ruta at ‘areas of engagement’ ni Pope Francis at ng ‘official entourage’ nito ay kabilang sa idineklarang ‘firearms free zones’.
Kabilang dito ang Nunciature Area sa Taft Avenue, Manila; palasyo ng Malacañang; Manila Cathedral; SM Arena, Mall of Asia; Villamor Airbase, Pasay City; University of Sto. Tomas; Quirino grandstand; Tacloban City at Palo, Leyte.
“Firearms shall not be brought inside places of worship, public drinking and amusement places and all other commercial or public establishments,” mariing utos naman ni PNP Officer in Charge P/Deputy Director Gen. Leonardo Espina sa mga Regional Directors ng National Capital Region at Eastern Visayas.
Mahigpit ring ipinagbabawal ang pagdi-display ng mga armas. Ang baril ay dapat nakatago sa loob ng behikulo o compartment ng motorsiklo.
“This provision applies to all gunholders including members of the PNP, AFP and other Law Enforcement Agencies in civilian attire, as well as gunholders with Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR),” ang sabi pa ng opisyal.
- Latest