^

Bansa

House hearing sa LRT-MRT fare hike inisnab ni Abaya

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inisnab ni DOTC Secretary Jun Abaya ang pagdinig ng House Transportation Committee hinggil sa ipinatupad na dagdag-pasa­he sa MRT at LRT nitong Enero 4.?

Sinabi ni DOTC Usec. Jose Lotilla na may mahahalagang meeting si Abaya na kailangang daluhan na nasabay lamang sa pagdinig ng Kongreso.

Pero hindi ito ikinatuwa ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares sa pagsasabing maaari namang dumalo si Abaya sa mga naturang pulong sa mga nakalipas na araw dahil matagal nang naka-iskedyul ang pagdinig sa dagdag-pasahe sa MRT-LRT.

Ikinainis din ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang hindi pagdalo ng Kalihim dahil ito umano ang pumirma sa dokumento na nag-apruba sa fare hike kaya dapat lang na humarap ito sa pagdinig at iprisinta ang concession agreements.

Giit ni Atienza, kung sa mga panayam sa radio at telebisyon ay may oras si Abaya para idepensa ang fare hike, kaya dapat lang na magkaroon din ito ng ras na dumalo sa pagdinig.

Depensa naman ng mga administration congressman na dumalo sa pagdinig, sapat na ang pagharap ng mga kinatawa ng DOTC dahil maaari naman umanong sagutin ng mga ito ang katanungan ng mga miyembro ng komite.

Nilinaw naman ni Lotilla na kailangang matustusan ang gastusin sa pagkukumpuni o pagpapalit ng mga bahagi ng tren, ng riles, ng signaling system, ticketing system at iba pa.

Sa naturang pagdinig binanggit rin ni Lotilla ang obligasyon ng gobyerno na bayaran ang utang sa iba’t ibang LRT at MRT projects gayundin sa pagpapatayo ng train systems.

Hindi umano sasapat ang kita ng LRTA at pondo ng DOTC para mapunan ang lahat ng obligasyon nito.

Dagdag ni Lotilla, ang pagbabago ng pasahe ay hindi lang para sa naturang kakulangan pero para na rin magkaroon ng distance-related fare structure kung saan base sa layo ang basehan ng pasahe at hindi sa kung ilang istasyon ang ibiniyahe ng isang pasahero.

ABAYA

BAYAN MUNA

HOUSE TRANSPORTATION COMMITTEE

JOSE LOTILLA

LITO ATIENZA

LOTILLA

NERI COLMENARES

PAGDINIG

SECRETARY JUN ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with