^

Bansa

Binay kay Trillanes: Mag-sorry ka

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humihingi ng public apology ang kampo ni Bise Presidente Jejomar Binay kay Senador Antonio Trillanes dahil sa pagdawit sa Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) sa mga akusasyon ng korapsyon.

Sinabi ng bagong tagapagsalita ni Binay na si Rico Quicho na isang “misinformation campaign” ang akusasyon ni Trillanes na kumita ang Bise Presidente sa housing projects, gayong inamin ng senador na wala siyang ebidensya.

"At the very least, we should demand a public apology from Senator Trillanes because he has sullied the good reputation of a government institution. He owes it not only to Vice President Binay, not only to Atty. Berberabe but to the whole Pag-IBIG as an institution, to the members and to all stakeholders, partners of Pag-IBIG," pahayag ni Quicho sa kanyang panayam sa ANC Headstart.

Si Binay ang kasalukuyang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), habang ang hipag ng kanyang chief of staff na si Darlene Berberabe ang Pag-IBIG Fund president at chief executive officer.

"Masakit para sa mga kawani ng pamahalaan, lalong lalo na doon sa Pag-IBIG na nagtatrabaho araw-araw para mapaganda yung serbisyo sa taubayan tapos meron tayong isang senador na walang basehan, walang ebidenya na magbibintang na lang ng kahit ano. For what? For his own self-aggrandizement," dagdag ng tagapagsalita.

Naniniwala si Quincho na ginagawa ito ni Trillanes upang pabanguhin ang kanyang pangalan para sa nalalapit na 2016 elections.

"We feel that Sen. Trillanes is really hopeless at this point. He is not gaining any attention so he is trying to drumbeat his name at the expense of the Vice President,"

Samantala, sa hiwalay na panayam ng ANC ay walang balak humingi ng public apology si Berberabe bagkus ay nais niyang ipatama kay Trillanes ang maling impormasyon na ikinalat niya.

"Let's base our allegations on facts," wika ni Berberabe. "To say that we favor contractors in awarding housing projects is simply false because we do not award projects, nor do we deal with contractors. It is unfortunate that an allegation which discredits the integrity of Pag-IBIG Fund is made, but the basis is not provided.
 

BERBERABE

BISE PRESIDENTE

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

DARLENE BERBERABE

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

PAG

RICO QUICHO

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with