E-jeeps may prangkisa na sa LTFRB
MANILA, Philippines - Tumatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga aplikasyon para sa prangkisa ng electronic jeeps o e-jeep.
Unang nagpasa ang Global Electric Transportation Services Cooperative na planong gamitin ang Comet Electric Jeepneys.
Babiyahe ang Comet jeeps mula SM North Edsa at daraan ng Mindanao Ave., Congressional Ave., Luzon Ave., Katipunan Ave., hanggang Aurora Boulevard, vice-versa.
"We support the Department of Transportation and Communications’ (DOTC) modernization program and had been authorized to accept new franchise applications for e-jeeps," pahayag ni LTFRB chairman WInston Ginez.
"Kami ay naniniwala na ang mga environment-friendly na e-jeepneys ang sagot upang mabawasan ang mga luma at mauusok na public utility vehicles (PUVs) sa ating mga lansangan," pahayag ni Ginez.
Bukod sa pinapagana ito ng kuryente, gagamitin namang pambayad ng mga pasahero ang reloadable cards.
Kargado rin ang e-jeep ng Global Positioning System (GPS), provision of wi-fi connectivity, side entrance for easier boarding, at CCTV cameras.
"We hope that this program will usher the replacement of smoke-belching and poorly-maintained jeeps with high-tech, efficient, and environmentally-friendly e-jeepneys."
- Latest