^

Bansa

60 Pinoy sa HK nahatulan sa pagdadala ng ‘stun gun’

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 60 Pinoy ang nahatulan ng korte sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng stun gun at mga kahalintulad na gamit.

Ayon sa Office of the Vice President, nagpalabas ng babala ang Philippine Consulate sa Hong Kong matapos ma-convict ang 60 kababayang Pinoy na karamihan ay mga tripulante dahil sa pagdadala ng mga “armas” na walang lisensya nitong 2014.

Dahil dito, nanawagan kahapon si Vice Pres. Jejomar Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs Concern sa mga Pinoy na iwasang magdala sa kanilang bagahe ng mga stun guns at kahalintulad na gamit papasok sa Hong Kong.

Ayon kay Binay, itinuturing na “armas” sa ilalim ng HK Fireams and Ammunition Ordinance ang mga stun guns, tear gas, bullets o bala, extendible batons, flick knives at knuckle dusters at mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala nito sa nasabing Chinese territory.

Ang mga mapapatunayang nagkasala sa pagdadala ng mga nabanggit na device ay may katapat na parusang pagkakakulong ng hanggang 14 taon at may multa na HK$100,000.

AYON

FIREAMS AND AMMUNITION ORDINANCE

HONG KONG

JEJOMAR BINAY

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

PHILIPPINE CONSULATE

PINOY

PRESIDENTIAL ADVISER

VICE PRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with