^

Bansa

P16K minimum wage isinusulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang urban poor group Kadamay ngayong Miyerkules sa gobyerno na itaas sa P16,000 ang national monthly minimum wage upang masabayan ang taas pasahe sa mga tren at pagtaas singil ng tubig.

Sinabi ni Kadamay national chairperson Gloria Arellano na kawawa ang mga simpleng manggagawa sa pagtaas ng basic services sa bansa.

"Higit na napapanahon ngayon para sa gubyerno na itaas ang sahod ng mga manggagawa at magpatupad ng National Minimum Wage para mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga batayang serbisyo," wika ni Arellano.

Aniya hindi na siya magugulat kung lalaki pa ang bilang ng kahirapan sa bansa, lalo na sa Metro Manila dahil sa mga pagtataas ng singil.

Nagtaas na ang singil sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) nitong Linggo, habang nakaamba naman ang water rate hike.
 

ANIYA

ARELLANO

GLORIA ARELLANO

HIGIT

KADAMAY

LIGHT RAIL TRANSIT

LINGGO

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL MINIMUM WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with