Miriam top-performing senator
MANILA, Philippines – Sa kabila ng hindi pagdalo sa mga sesyon at mga committee hearings, tinawag kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang kanyang sarili na top-performing senator ng 2014 dahil sa dami ng mga naihaing panukalang batas.
Sa pagtaya ng tanggapan ni Santiago umabot na sa 1,007 ang panukala at mga resolusyon ang naihain nito.
Sumunod umano kay Santiago si Sen. Jinggoy Estrada na may 604; Sen. Antonio Trillanes IV, 307; Sen. Lito Lapid 219 at Sen. J.V. Ejercito, 217.
Kabilang sa mga batas kung saan naging co-author si Santiago ang Reproductive Health Act; Biofuels Law; Renewable Energy Law; Sin Tax Law; Magna Carta of Women; Anti-Photo and Video Voyeurism Act; Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity; Cybercrime Law; Seatbelt Law; Exact Change Act; Philippine Standard Time Act; Motorcycle Helmet Act; Kasambahay Law; Anti-Bullying Law; Archipelagic Baselines Law; at Climate Change Act.
Iginiit naman ni Santiago ang pagpasa ng mga sumusunod na panukala: ang Anti-Commercialization of Human Organs, Tissues or Parts of Living Persons Bill; Anti-Epal Bill; Anti-Political Dynasty Bill; Billboard Regulation Bill; Call Center Bill; Child Care Centers Bill; Certificate of Intention to Run for Public Office Bill; Clear Sidewalks Bill; Compulsory Teaching of Ethics Bill; Deceased Donor Bill; HIV and AIDS Bill; Magna Carta of Workers in the Informal Sector; Pthalate-Free Toy Bill; Special Education Bill; Magna Carta for Philippine Internet Freedom; at Whistleblowers Bill.
- Latest