^

Bansa

Nangholdap sa Kenny Rogers, tugis

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Quezon City police ang cartographic  sketch ng mga suspek na nangholdap noong linggo ng umaga sa Kenny Rogers sa kanto ng Quezon Avenue at Scout Albano sa lungsod.

Ayon sa pamunuan ng QCPD, ang dalawang suspek ay tinatayang nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas, may tamang pangangatawan at kayumanggi ang kulay

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,  pasado alas-7:00 ng uma­ga noong Linggo ng magpanggap na kostumer  ang mga suspek sa kabubukas lang na restaurant.

Agad umanong dinisarmahan at kinuha ng mga ito ang service firearms ng guwardiya saka iginapos kasama ang tatlong service crew, cashier at janitor at ikinulong sa opisina na nasa likuran ng restaurant

Maging ang isang pamilya na kostumer na kapapasok pa lamang sa nasabing kainan ay hinoldap din at iginapos ng mga suspek.

Kabilang sa mga natangay ng mga holdaper sa kanilang pagtakas ang mga pera, alahas at cellphone ng mga empleyado ng fasfood chain habang nakuha naman sa costumer ang isang rolex, , cellphone at hindi nabatid na halaga.

Sa kabuuan, mahigit sa P500,000 ang nakulimbat ng mga suspek at kasama rin nilang tinangay ang CCTV ng nasabing restaurant upang hindi umano sila makilala at walang maging ebidensiya sa nangyaring insidente.

vuukle comment

AYON

BATAY

INILABAS

KABILANG

KENNY ROGERS

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SCOUT ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with