^

Bansa

DSWD umapela sa publiko huwag maglimos sa mga batang lansangan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na halip na maawa, ay  isaalang-alang ang kaligtasan ng mga bata na nalalagay sa panganib dahil sa pamamalimos sa mga lansangan.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, kung seryoso ang sinuman sa pagtulong sa mga batang lansangan ay agad na makipag-ugnayan sa  kanilang ahensiya o sa mga ngo’s, religious institute, lgu’s at barangay upang seryosong maipatupad ang batas para maialis ang mga bata sa mga lansangan at mapigil ang pamamalimos.

Ipinaalala rin ni Soliman na dapat sundin ang batas na nagbabawal na manlimos at magpalimos at mapigilan ang karukhaan. Aniya sa ilalim ng PD 1563, ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng P500.

Nanawagan din ang DSWD sa publiko na ipagbigay-alam sa otoridad ang makikitang mga batang namamalimos sa mga lansangan.

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

IPINAALALA

LANSANGAN

NANAWAGAN

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SOLIMAN

UMAPELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with