P300M hindi P1.2B kontrata sa Smartmatic – Comelec
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na naibigay na sa Smartmatic ang buong P1.2 bilyong kontrata para sa eleksyon 2016.
"That is not correct. We awarded them only the first portion which is the P300 million maximum contract, not the P1.2 billion," paglilinaw ni Brillantes sa kanyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
Sinabi ni Brillantes na inalok sa kanila ng Smartmatic ang three-stage contract, ngunit ang unang bahagi lamang ang kanilang kinuha at ito ay ang diagnostics and examination ng precinct count optical scan (PCOS) machines na nagkakahalaga ng P300 milyon.
"We are not yet entering a contract with Smartmatic on repair and maintenance, P900 million. We are only entering into a contract for the diagnostics examination and minor repairs for a maximum of P300 million because we're still going to negotiate the price," dagdag niya.
Samantala, maaari pang bumaba ang halaga ng PCOS hanggang P250 milyon o P275 milyon, ayon pa kay Brillantes.
Ipinaliwag din niya na ang second stage ng kontrata ay nagkakahalaga ng P900 milyon na para naman sa repair at maintenance, habang ang P300 milyon ay para naman sa upgrading ng machines.
"Then they will do the actual repair and maintenance and actual correction of any mistakes or error, another 900 million (pesos). That would be the second stage."
Nakatakdang magkaroon ng open bidding para sa exclusive repair rights oras na kailangan kumpunihin ang mga PCOS machine.
- Latest