^

Bansa

NBP inmate na nagtangkang manggahasa positibo sa droga-DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na positibo sa bawal na gamot ang bilanggo ng New Bilibid Prisons (NBP) na suspek sa attempted rape sa isang 8-taong gulang na batang babae noong Enero 1.

Ayon kay De Lima, ito’y batay na rin sa ulat ni NBP officer-in-charge Supt. Richard Schwarzkopf.

Una nang iniutos ni De Lima na idaan sa drug test ang suspek na si Norvin Domingo, 34,  na itinuro ng isang testigo na kasama ng biktima nang pumasok sa banyo ng simbahan ng Maximum Security Compound, kung saan natagpuan ang bata na walang malay at walang underwear.

Miyembro ng Bahala na Gang at kakosa ng ama ng biktima si Domingo na nahatulang makulong ng apat na taon at dalawang buwan hanggang walong taon dahil sa kasong robbery with intimidation.

Paliwanag ni De Lima na ang  pagpositibo ni Domingo ay indikasyon lamang na laganap  pa rin ang  transaksiyon ng droga sa piitan.

Aniya, pinag-aaralan na nila ang  kanilang  gaga­wing operasyon  at pagsasaayos sa sistema  ng piitan upang  hindi maipasok ang mga kontrabando.

Bagama’t sinalakay na nila  ang  mga  kulungan ng drug convicts, may natitira pa ring  nag-o-operate sa kulungan.

ANIYA

DE LIMA

DOMINGO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

NEW BILIBID PRISONS

NORVIN DOMINGO

RICHARD SCHWARZKOPF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with