^

Bansa

2 Pinoy terrorist dinakip sa Saudi

Pilipino Star Ngayon

RIYADH – Dalawang Pilipino ang kabilang umano sa 29 na tero­ristang inaresto ng mga awtoridad sa Saudi Arabia nitong linggong ito, ayon sa ulat ni Abdul Hannan Tago sa Arab News.

Ayon sa Arab News na kinumpirma kamakalawa ng isang local daily na makaraang makulong ang isang Malaysian expatriate sa Saudi Arabia dahil sa pagkakasangkot sa terorismo, dalawa pang terorista na umano’y mga Pilipino ang dinakip sa naturang bansa.

Hindi binanggit sa ulat ang pangalan ng dalawang suspek mali­ban sa pagsasabing ang mga ito ay mga Philippine passport holder.

Ikinagulat ng mga lider ng mga pamayanan ng Overseas Filipino Worker ang ulat. “Naka­kabahala ang umano’y pagkakasangkot ng dala­wang Philippine passport holder na kasama sa terrorist list ng Saudi Arabia,” pahayag ni Migrante-Middle East (M-ME) regional coordinator John Monterona.

Sinabi pa ni Monterona na, “Para sa amin, ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay mga dayuhan na sumusunod sa mga batas ng bansang ito at narito sila para magtrabaho at suportahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.”

“Hindi kami mag-aatubiling kondenahin ang mga sangkot sa terorismo sa KSA, sa Pilipinas man o ibang lugar,” dagdag niya.

Pero nanawagan si Monterona sa pamahalaang Pilipino, sa pamamagitan ng diplomatic post nito sa Riyadh, na beripikahin at kumpirmahin ang pagkakakilanlan sa dalawang Pilipino.

Sa yugtong ito anya, napakaaga pa para matiyak na mga Pilipino nga sila.

Sinasabi sa ulat na isinagawa kamakailan ng mga Saudi authorities ang isang linggong kampanya laban sa tero­rismo na nagresulta sa pagkakaaresto sa 29 na hinihinalang terorista na karamihan ay mga Saudi national.

Sa naturan ding kampanya, naaresto ang akusadong Pilipino, isa ring Saudi, isang Egyptian, isang Indian sa unang araw nito.  Ang iba na pitong Saudi, isang Syrian, at isang Lebanese national ay nasakote sa sumunod na araw.

Sa pangatlong araw ng kampanya, nadakip ng mga awtoridad ang dalawa pang Saudi at sa pang-apat na araw ay nahuli ang isa pang Pilipino na kabilang sa limang akusado. Sa panglimang araw, nasakote naman ang tatlong Saudi.

ABDUL HANNAN TAGO

ARAB NEWS

DALAWANG PILIPINO

ISANG

JOHN MONTERONA

PILIPINO

SAUDI

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with