14 nadale ng stray bullet –PNP
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 14-katao ang nadale ng stray bullet habang 10-katao naman ang nasakote sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ang inihayag kahapon ni P/Chief Supt Wilben Mayor kaugnay ng pinalakas na Ligtas Paskuhan 2014.
Ang 14 kaso ng stray bullet ay naitala ng PNP mula Disyembre 16 hanggang kahapon ng umaga (Enero 1, 2015)
Sa nasabing bilang, anim ay naitala sa Metro Manila, isa sa Central Luzon, apat sa CALABARZON, dalawa sa Western Visayas at isa naman sa Central Visayas.
Aabot naman sa 10-katao rin ang nasakote sa illegal discharge of firearms kabilang ang tatlong security guards at apat na police personnel.
Nilinaw naman ng opisyal na ang apat na pasaway na pulis na nagpaputok ng baril ay nasakote bago pa man ang bisperas ng Bagong Taon.
“Sa New Year’s Eve walang record na nagpaputok na pulis,” ang sabi pa ni Mayor.(Joy Cantos )
- Latest