'Seniang' nasa Iloilo na matapos mag-landfall sa Cebu
MANILA, Philippines – Muling tumama sa kalupaan ang bagyong “Seniang” sa Cebu ngayong Martes, ayon sa state weather bureau.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ganap na 4:45 kaninang madaling araw nag-landfall ang bagyo sa Sibunga, Cebu.
Samantala, huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 75 kilomero timog-silangan ng Iloilo City kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Seniang ang lakas na 65 kilometers per hour at bugsong aabot sa 80 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran sa bilis na 11 kph.
Nakataas nag public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2
Negros Occidental
Negros Oriental
Guimaras
Southern Cebu
Southern Antique
Southern Iloilo.
Signal no. 1
Aklan
Capiz
Bohol
Siquijor
Nalalabing bahagi ng Antique, Iloilo at Cebu
Palawan
Calamian group of Islands
Cuyo Island.
Tinatayang tutungo ang bagyo sa 210 km kanluran ng Puerto Princesa City ang bagyp bukas ng umaga, at sa 170 km timog-kanluran ng kaparehong lugar sa kamakalawa.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes.
- Latest