^

Bansa

140 na ang naputukan bago ang New Year – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 140 kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ang naitala ng Department of Health (DOH) bago sumapit ang Bagong Taon.

Sa Firecrackers Injury Registry ng DOH, 139 dito ang naputukan habang isa naman ang nakalunok ng pulbura ng piccolo na inakalang candy.

Ang nasabing bilang ay sumasaklaw lamang mula Disyembre 21, ang araw na sinimulan ang monito­ring, hanggang nitong Dis. 29.

Lumalabas pa ring na­ngunguna ang piccolo sa may pinakamara­ming nabiktima na umabot sa 94.

Ayon kay Health Assistant Secretary Elmer Punzalan, mas dapat pag-isipan ng mamamayan  ang long term-effect sa halip na pangkasiyahan ng okasyon ng Bagong Taon. Sa oras na maputukan at mawalan ng parte ng katawan o paningin ay habambuhay na itong pabigat sa buhay.

Ang Maynila naman ang maituturing na may pinakamatigas na ulo dahil nangunguna na naman sa may pinakamataas na bilang ng naputukan, sumunod ang Pasig City at ikatlo ang Las Piñas.

 

ANG MAYNILA

AYON

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH ASSISTANT SECRETARY ELMER PUNZALAN

LAS PI

PASIG CITY

SA FIRECRACKERS INJURY REGISTRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with