^

Bansa

Oplan Ligtas Paskuhan; 4 timbog, 420 bawal na paputok nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang inaresto ng pulisya kaugnay ng illegal discharge of firearms o walang habas na pagpapaputok ng baril habang nasa 420 bawal na paputok ang nasamsam kaugnay ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office, ang nasabing bilang ng mga paglabag sa “Oplan Ligtas Paskuhan 2014 “ ay naitala ng PNP umpisa Disyembre 16 hanggang alas -5 ng hapon nitong Disyembre 25.

Ayon kay Mayor nasa 17 insidente ang nairekord ng PNP sa buong bansa kabilang ang iligal na pagpapaputok ng baril at mga ipinagbabawal na paputok na naglalaman ng higit sa 0.2 pulbura.

Binigyang diin ng opisyal na lalo pa nilang tututukan ang kampanya kontra indiscriminate firing, paggamit at pagbebenta ng iligal na paputok lalo na ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa National Capital Region, tatlong insidente naman ang naitala, dalawang kaso ng iligal na pagpapaputok ng baril at isang insidente ng stray bullet.

Patuloy ang monitoring ng PNP upang matiyak ang mapayapang pagsalubong sa pagpasok ng susunod na taon.

Nakatakda namang magsagawa ng pag-iinspeksyon ang PNP sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, ang tinaguriang ‘firecracker capital‘ ng bansa sa Disyembre 29.

Layon ng nasabing inspekyon na matiyak na sumusunod ang mga ito sa Republic Act 7183, An act regulating sale, manufacture, distribution and use of firecrackers at pyrotechnic devices.

Pangungunahan ng PNP Firearms and Explosive Office (FEO) ang iinspeksyon sa mga tindahan at pabrika ng paputok sa Bulacan.

BAGONG TAON

BULACAN

CHIEF SUPT

DISYEMBRE

FIREARMS AND EXPLOSIVE OFFICE

OPLAN LIGTAS PASKUHAN

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REPUBLIC ACT

SA NATIONAL CAPITAL REGION

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with