^

Bansa

2 insidente ng sunog, naitala

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang commercial residential na ginagawang imbakan ng electrical supplies ang naabo makaraang masunog sa hindi pa mabatid na kadahilanan sa lungsod Quezon sa araw ng Pasko.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, ang nasunog ay ang apat na palapag na gusali ng Supertop Trading Inc na matatagpuan sa E. Porto St., Brgy. San Francisco del Monte na pag aari ng isang Ramon Sy, 53.

Nagsimula ang sunog ganap na alas-5:55 ng umaga sa mezzanine sa ika-apat na palapag ng nasabing gusali.

Sinasabing ang naturang lugar ay ginagamit na imbakan ng mga electrical supplies na posibleng siyang pinagmulan ng sunog.

Umabot naman sa ika- apat na alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula ganap na alas-6:05 ng umaga. Wala namang ini­ulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Patuloy ang pagsisiyasat ng kagawaran sa sunog upang mabatid ang tunay na sanhi at halaga ng napinsalang ari-arian nito.

Samantala naging malungkot naman ang Pasko ng ilang pamilya sa Makati City makaraang sumiklab din ang sunog dito, kahapon ng mada­ling araw.

Ayon kay Makati City Fire Marshall Supt. Ricardo Perdigon, naganap ang insidente alas-2:25  ng madaling-araw sa Balagtas St., Brgy. West Rembo ng naturang lungsod.

Nag-umpisang kumalat ang apoy mula sa bahay ng isang nagnga­ngalang Gloria Calimag. Dahil dikit-dikit, kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy na nagresulta upang maabo ang limang kabahayan.

Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang insidente, habang iniimbestigahan pa kung ano ang dahilan nang pagsiklab ng apoy at magkanong halaga ang napinsala.

Alas-3:05 ng mada­ling-araw nang idekla­rang kontrolado ang sitwasyon matapos maa­pula ang apoy nang rumis­pondeng mga bumbero.

 

AYON

BALAGTAS ST.

BRGY

GLORIA CALIMAG

JESUS FERNANDEZ

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE MARSHALL SUPT

PASKO

PORTO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with