‘Right to Sit Down’ sa mga saleslady isinulong
MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang inihain ni OFW Family partylist Rep. Roy Señeres na naglalayong makaupo ang mga salesman at saleslady sa mga mall habang nagtitinda ang mga ito sa mga department stores.
Base sa House bill 5258 o ang “Right to Sit Down on the Job Act of 2014” na inihain ni Seneres inaatasan nito ang mga shopping malls, department stores, retail stores, stalls at iba pang magkahalintulad na establisimyento na bigyan pagkakataon na makaupo ang kanilang mga empleyado sa trabaho.
Ayon sa mambabatas na hindi kaila sa publiko na ang mga nagtratrabaho sa mga nabanggit na mga establisimyento ay nakatayo lang maghapon habang ginagawa ang kanilang trabaho.
Giit ni Señeres na ang maghapong nakatayo ay hindi makatao at nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao.
Dahil tanging ang mga hayup tulad ng kalabaw, baka at kabayo lamang ang kayang tumayo ng maghapon.
Kaya sa sandaling maisabatas ang nasabing panukala ang mga establishment na hindi tutupad sa batas ay magbabayad ng multa mula P50,000 hanggang P150,000.
- Latest