^

Bansa

Dahil sa parada ng MM Film Festival re-routing sa Maynila, ikinasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatupad ng re-routing scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at asahang makakaranas ng matinding trapik ngayong araw na ito (Martes) dahil sa magaganap na parada para sa Metro Manila Film Festival.

Sa abiso ng Manila Police District na isinumite sa tanggapan ng MMDA kahapon, nabatid na simula ngayong araw ang northbound lane ng Roxas Boulevard mula P. Ocampo hanggang T.M. Kalaw ay isasara pagsapit ng ala-1:00 ng hapon.

Ang mga sasakyang magmumula sa southern part ng Maynila na  dadaan ng  northbound lane ng Roxas Boulevard ay kakanan ng P. Ocampo para makarating sa kanilang pupuntahan.

Yung mga sasakyan namang babagtas ng westbound lane ng kahabaan ng President Quirino Avenue papuntang Roxas Boulevard ay kakaliwa ng  Adriatico, kakanan ng P. Ocampo at kakaliwa ng  F.B. Harrison.

Ito ang ipatutupad ng re-routing sa bandang Maynila dahil nga sa gaganaping parada ng mga artista para sa Metro Manila Film Festival.

Asahang makakaranas ng pagsisikip ng trapiko sa mga lugar na apektado ng naturang parade, kung kaya’t payo ng MMDA sa mga motorista na umiwas dito para hindi maabala ang mga ito.

ADRIATICO

ASAHANG

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OCAMPO

PRESIDENT QUIRINO AVENUE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with