^

Bansa

PNP galing Liberia pinarangalan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang nagtapos kahapon ang 21-day quarantine ng limang pulis, ang huling  batch ng peacekeeping force ga­ling Liberia na apektado ng epidemya ng Ebola sa West Africa.

Ang limang pulis ay ang huling batch ng mga police peacekeepers  na nakumpleto na rin ang 21 araw na quarantine period sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.

Personal namang pinangunahan kahapon ni P/Deputy Director General Leonardo Espina ang pagbibigay ng parangal sa huling batch ng mga Pinoy peacekeepers na  nagsilbing peacekeeping contingent na kabilang sa 133 UN peacekeepers galing Liberia.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Sr. Supt. Cesar Hawthorne Binag, Deputy Commissioner ng UN Mission sa Liberia (UNMIL), Supt. Eduardo Abaday, Supt Nixon Cayaban, Chief Insp. Emmanuel Caquilala at SPO3 Khynnimer Absari.

Sinabi ni Espina na ang nasabing mga police peacekeepers ay mga bagong bayani ng bansa na sa kabila ng panganib na dulot ng Ebola ay nagsakripisyo sa pagtupad sa peacekeeping mission sa Liberia.

Magugunita na noong unang bahagi ng buwan ay pinarangalan ang 133 peacekeepers galing Liberia kabilang ang 108 AFP, 24 pulis at isang kasapi ng Bureau of Jail Management & Peno­logy matapos namang sumalang sa 21 araw na quarantine sa Caballo Island.

Inihayag naman ni Binag na bago sila umalis sa Liberia ay pina-alalahanan nila ang kanilang mga counterpart doon na huwag pabayaan ang nasa 250 hanggang 300 pang Overseas Filipino Workers (OFW) doon.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

CABALLO ISLAND

CESAR HAWTHORNE BINAG

CHIEF INSP

DEPUTY COMMISSIONER

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

EBOLA

EDUARDO ABADAY

EMMANUEL CAQUILALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with