^

Bansa

Pantay na pribilehiyo sa regular at non-regular gov’t employees

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang masolusyunan ang hindi na pantay na pagtrato sa pagitan ng regular at hindi regular na empleyado ng gobyerno at upang makatulong sa tumaas na insidente ng kahirapan, isinusulong ng isang bagitong kongresista na mabigyan na rin ng katulad na benepisyo na natatanggap ng mga regular na empleyado ang mga hindi regular.

Sa House Bill 3577 o ang “An Act Granting Bene­fits to Non-regular Employees of the Government ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, aamyendahan nito ang Republic Act 8291 upang mapataas ang standard of living at mapabuti ang pamumuhay ng mga hindi regular na empleyado dahil katulad din ng mga regular ay nagsisilbi din ang mga ito sa taong bayan.

Paliwanag pa ni Vargas, sa kabila ng katotoha­nan na ang non-regular employees or mga job order personnel na nasa ibat ibang government units o agencies ay hindi sakop ng Civil Service Regulations subalit ang kanilang trabaho ay maituturing na hindi bahagi ng serbisyo ng gobyerno.

Bukod dito, napuna din ng kongresista na ang mga hindi regular na kawani ng gobyerno ay hindi masaya sa relasyon nila sa kanilang mga employer  kaya hindi sila nasasakop ng Labor code.

Sa ilalim ng panukala ni Vargas, isinusulong nito ang pagbibigay sa mga non-regular government employees ng karapatan na mabayaran tuwing holiday, mabigyan ng 13th month pay at karapatan sa multi purpose leave credits; dapat maging miyembro ng National Health Insurance Program (NHIP); Home Development Mutual Fund (HDMF), Pag-IBIG Fund; at sa  Government Service Insu­rance System (GSIS).

Giit pa nito, nararapat lamang na siguruhin ng gobyerno na ang mga empleyado ay maala­gaan at maprotektahan sa anumang exploitation.

ALFRED VARGAS

AN ACT GRANTING BENE

CIVIL SERVICE REGULATIONS

EMPLOYEES OF THE GOVERNMENT

GOVERNMENT SERVICE INSU

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

REGULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with