CAAP may notice sa Papal visit
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa ‘restrictions’ ng commercial flights sa Ninoy Aquino International Airport at Daniel Z. Romualdez Airport sa pagbisita ng Santo Papa sa Enero 15-19, 2015.
Ayon sa ulat, sa Enero 15, ang dalawang runway sa NAIA, primary runway na 06/24 at ang secondary runway 13/31, ay sarado sa lahat ng arriving flights samantala ang departing flights ay papayagan para lumipad mula 2:00 pm hanggang 5:15 pm.
Simula 5:15 pm hanggang 6:15 pm, ‘no fly zone’ ang ipapatupad at wala ring air traffic ang i-accommodate dahil sa pagdating ng eroplanong sasakyan ni Pope Francis dakong alas 5:45 ng hapon.
Sa Enero 17, sa pagpunta ni Pope Francis sa Tacloban, ang Daniel Z. Romualdez Airport ay sarado sa lahat nang air traffic simula nang alas 6:00 am hanggang 9:00 pm, liban sa eroplanong sakay ang papal entourage samantala ang NAIA runways ay muling isasara dakong 7:45 am hanggang 8:45 am, dahil bandang 5:45 pm o 6:45 pm ay parating ang eroplanong sinasakyan ng Santo Papa sa NAIA galing Tacloban.
Sa pag-alis ng bansa ni Pope Francis sa January 19 papuntang Rome, papayagang umalis mula alas 6:00-9:30 ng umaga ang ibang eroplano sa NAIA runway samantala ipatutupad muli ang “no fly zone” dakong 9:30 am hanggang 10:30 am dahil ito ang oras ng pag-alis ng Santo Papa sa pagtatapos ng kanyang apat na araw na pagdalaw sa bansa.
- Latest