^

Bansa

Bayad sa mga namatay dahil sa krimen itataas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na itaas ang halaga ng ibinabayad sa pamilya ng namatay na biktima ng isang krimen.

Sa Senate Bill 2513 ni Santiago, sinabi nito na panahon na upang ami­yendahan ang Article 2206 ng Republic Act 386 o ang “Civil Code of the Philippines” upang maitaas ang halaga ng damages sa pagkamatay ng biktima ng krimen o tinatawag na “quasi-delict”.

Ipinunto ni Santiago na ang pagbabayad sa pamilya ng isang biktima ng krimen ay naaayon sa batas na tinatawag na civil damages.

Noon pa aniyang 1950 naisabatas ang Civil Code of the Philippines na nagtatakda ng minimum amount na P3,000 actual o ”compensatory damages” para sa pagkamatay ng isang biktima ng krimen.

Masyado pa aniyang malakas ang purchasing power noon ng Philippine peso na ang $1 ay katumbas ng P2.00 samantalang sa ngayon ay umaabot na sa P44 ang US$1.

Sa kasalukuyan aniyang mga batas, P50,000 ang bayad kapag namatay ang isang biktima ng krimen pero para kay Santiago, hindi pa rin ito sapat.

Hindi rin aniya makatarungan na mas malaki ang ibinabayad kapag nabuhay ang biktima kaysa kapag namatay ito.

Inihalimbawa ni Santiago ang kaso ng isang road accident kung saan ang biktima ay permanente ng hindi makakapagtrabaho.

Sa nasabing kaso pi­nagtibay ng Supreme Court ang parusang pagbaba­yad ng P2,973,000.00 bilang actual damages, at P23,461,062 para sa life care cost at P10,000,000 para sa loss of earning capacity, bukod pa sa karagdagang P4,000,000 moral at exemplary damages at attorney’s fees.

Sa isang kaso naman kung saan namatay ang biktima, ang akusado ay pinagbayad ng kabuuang P186,319.59 civil indemnity, reimbursement ng burial expenses, moral damages at exemplary damages para sa homicide.

Kung ikukumpara ang dalawang kaso mas malaki ang ibinayad sa biktimang nabuhay kaysa sa pamilya ng biktimang namatayan ng kamag-anak.

Isa aniyang “urban myth” na kalimitang sinasagasaan na lamang muli ng mga bus drivers ang kanilang nabundol na biktima upang matiyak na mamamatay dahil mas mahal ang ibabayad kapag nabuhay ang biktima.

Panahon na aniya upang silipin ang batas upang matiyak na nababayaran ng tama ang pamilya ng mga biktima ng krimen.

BIKTIMA

CIVIL CODE OF THE PHILIPPINES

DAMAGES

INIHALIMBAWA

IPINUNTO

REPUBLIC ACT

SA SENATE BILL

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with