Indra tahimik sa akusasyon
MANILA, Philippines - Tahimik lang ang Indra Sistemas, S. A. sa mga alegasyon na sabit sila sa korap na aktibidad sa Spain at sa umano’y koneksyon nito sa Spanish government.
Sa kanyang pagsasalita sa mga mamamahayag, tumanggi si Indra lawyer Atty. Archibald de Mata na magkomento at sinabing wala silang personal na kaalaman sa mga isyung kinakaharap ng Spanish company.
“Wala po akong personal knowledge kung ano talaga ang insidenteng iyon so hindi po talaga ako makakapag-comment direkta dun,” sabi ni de Mata.
“Hindi ko din alam ang komposisyon ng Indra, pero madali namang i-verify kung may ganung reports,” aniya pa.
Ang pahayag na ito ay bilang tugon sa mga kuwestyon ng ilang grupo sa Indra kaugnay ng nagaganap na corruption investigation sa Spain.
May akusasyon din sa malaking interes umano ng Spanish government sa kumpanya at ang sinasabing “pakikisawsaw” sa appointment ng mga miyembro ng Indra board of directors.
Ang Indra ay isang major IT company na may operasyon sa labas ng Spain mula noong taong 1993 at nag-aalok ng mga produkto at serbisyo sa mga pribado at government entities sa Southeast Asia. May mga tanggapan ito sa iba’t ibang bansa.
- Latest