^

Bansa

Pemberton ikulong sa city jail - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat ikulong sa ordinaryong city jail si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton.

Naniwala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban kay Pemberton, ang jurisdiction ng kaso nito ay nasa awtoridad na ng Pilipinas at hindi ng Amerika.

Kung hindi aniya ikukulong sa isang city jail si Pemberton, maliwanag na magkakaroon ng diskriminasyon sa bansa pabor sa isang banyaga.

Naniniwala rin si Santiago na nagkaroon ng “bad faith” sa naunang kaso ng isa pang sundalong Amerikano na si Daniel Smith na inakusahan naman ng rape pero nakabalik ng Amerika lingid sa kaalaman ng publiko.

Nabigyan din umano ng US visa at nakapunta sa Amerika ang sinasabing biktima ni Smith na hindi kaagad nalaman ng publiko at ng media.

“That, for me, was proof of bad faith on the part of the United States, because everything was done in silence. If there is any arrangement to be made, it should be made transparently and the result should be made known to the public as soon as possible,” sabi ni Santaigo.

AMERIKA

AMERIKANO

DANIEL SMITH

DAPAT

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

MARINE PFC

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NABIGYAN

NANINIWALA

PEMBERTON

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with