^

Bansa

Open Pope mobile, no bulletproof sa Santo Papa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging “accessible” si Pope Francis sa nakatakda nitong pagbisita sa Pilipinas sa Enero 2015.

Tiniyak ito ni Fr. David Concepcion, miyembro ng papal visit transpo committee, dalawang Pope mobile ang gagamitin kung saan isa sa Maynila at isa naman ay sa Tacloban.

Mismong ang Santo Papa aniya ang humiling na dapat ay isang open mobile, hindi bullet-proof at walang aircon ang magiging sasakyan nito.

Wika pa ni Fr. Concepcion, simbolo ito na bukas ang Simbahan para sa lahat.

Nabatid na dalawang Pope mobiles ang inihanda. Isa ang gagamitin sa  Maynila at isa sa Tacloban. Kung maaalala, maging sa kanyang Middle East trip ay isang open-top car ang sinakyan ng Mahal na Papa, bagay na ikinasakit sa ulo at labis na ikinabahala ng kanyang security.

Sa Enero 15 hanggang 19 bibisita sa Pilipinas si Pope Francis at kabilang sa mga pupuntahan nito ang Luneta Park, Manila Cathedral, University of Sto. Tomas, MOA Arena, at Tacloban.

DAVID CONCEPCION

LUNETA PARK

MANILA CATHEDRAL

MAYNILA

MIDDLE EAST

PILIPINAS

POPE FRANCIS

SA ENERO

SANTO PAPA

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with