Binata nakipag-break sa nobya, bago nag-suicide
MANILA, Philippines - Nakipaghiwalay muna sa kanyang girlfriend bago nagpatiwakal ang isang 25-anyos na binata sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot si Christian Hubayan, ng Challenger St., Brgy. Rizal ng naturang siyudad sanhi ng tinamong tama ng bala ng sumpak sa kanang sentido.
Sa imbestigasyon ni SP02 Alfred Reyes, ng Homicide Section, Makati City Police, na bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril ang ama ng biktima mula sa kuwarto nito.
Agad na pinuntahan ng ama ang kuwarto at tumambad dito ang duguan at wala nang buhay na anak.
Bago naganap ang pagpapatiwakal, nakipaghiwalay umano ang biktima sa girlfriend nito na hindi na binanggit ang pangalan kamakalawa ng gabi. Kung saan nakita pa sa cellphone ng biktima ang mga katagang nagpapaalam na ito sa kanyang mga magulang at nagpapasalamat sa pag-aaruga sa kanya.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso.
- Latest