^

Bansa

3 ‘tulak’ arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiklo ang tatlong kilabot na tulak sa magkakasunod na ope­rasyon ng Northern Police District (NPD) laban sa patuloy na pagkalat ng iligal na droga sa mga lungsod ng Malabon at Navotas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jonathan Nicolas, alyas “Jon-jon”, 25; Fernando Datu, 60 at Christian Baylon, alyas “Jester”, 38.

Sa ulat ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, nadakip si Nicolas dakong alas-2 kamakalawa ng mada­ling araw nang masakote sa ikinasang buy-bust operation sa tapat ng bahay nito.  Nakumpiska sa posesyon nito ang dalawang pirasong pakete na naglalaman ng hindi pa madeterminang dami ng hinihinalang shabu.

Dakong alas-9:30 naman kamakalawa ng alas-9 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ng Malabon SAID ang lolong si Datu sa isa pang buy bust operation sa may Flores Street, Brgy. Flores.  Nakuha naman sa posesyon ng suspek ang limang pakete ng iligal na droga.

Kasunod nito bandang alas-10:30 ng umaga, naaresto naman si Baylon sa operasyon sa tapat ng bahay nito. Narekober din sa posesyon nito ang limang pakete ng iligal na droga at P2,000.

 

vuukle comment

BAYLON

CHRISTIAN BAYLON

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

FERNANDO DATU

FLORES STREET

JONATHAN NICOLAS

MALABON

NAVOTAS CITY

NORTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with