^

Bansa

1 buwang ceasefire ng AFP at NPA ipatutupad

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang diwa ng Kapas­kuhan, ipatutupad ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at Philippine National Police ang isang buwang  unilateral ceasefire o tigil putukan sa hanay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon nina AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. at P/Deputy Director General Leo­nardo Espina, Officer in Charge ng PNP sa isang pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo.

Inaprubahan din ka­hapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Christmas ceasefire sa NPA batay sa rekomendasyon ng AFP.

Sinabi ni PCOO Secretary Herminio Coloma Jr. inaprubahan ni Pa­ngulong Aquino ang tigil-putukan mula Disyembre 18 hanggang Enero 19.

Ayon kay Sec. Coloma, bilang commander in chief ng AFP ay aprubado sa Pangulo ang pagkakaroon ng ceasefire ngayong Kapaskuhan sa NPA sa diwa ng Pasko. Layunin anya nito na ma­ka­baba ng bundok ang mga rebeldeng komunista upang makasama ang kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan.

 

ARMED FORCES OF THE PHI

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF GEN

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEO

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

KAPASKUHAN

NEW PEOPLE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with