^

Bansa

Solon inambus, 4 bodyguard utas!

Gemma Garcia, Butch Quejada at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan si Iligan Lone District Rep.Vicente “Varf” Belmonte matapos tambangan kahapon ng mga armadong kalalakihan ang kanyang convoy kung saan apat na ta­uhan nito ang napatay sa Laguin­dingan, Misamis Oriental.

Ayon kay Atty. Rejoice Subejano, abogado at staff ng kongresista na kasama nito ng maganap ang insidente, masuwerteng sugat lang sa kamay ang tinamo ni Rep. Belmonte na ka­agad nilapatan ng lunas sa Laguindingan Hospital.

Kuwento ni Belmonte, ala-1:30 ng hapon nang dumating sila sa Laguin­dingan Airport galing sa Maynila.

Pero, bago pa man makarating sa national highway, tinambangan anya sila ng isang van at pinagbabaril.

Sa salaysay naman ni Subejano, kaagad na nakaganti ng putok ang mga security aide ng kongresista subalit minalas na masawi ang mga ito na kinabibilangan ng isang pulis dalawang bodyguard at isang driver.

Isa rito ay kinilalang si PO3 Marcos Agtina Andres, isang Yoyong at dalawang tinukoy lamang sa mga apelyidong Estaquio at Sumaguing.

“Namatay ‘yung driver ko, driver of the backup vehicle, and two police bodyguards. Tatlo ang wounded, including me,” pahayag naman ni Belmonte sa isang television interview.

Sinabi pa nito na pulitika ang hinihinala niyang motibo ng ambush matapos siyang makatanggap ng death threat bago ang insidente.

Mariin namang kinondena ng liderato ng Ka­mara ang pananambang kay Belmonte. Sinabi ni House Majority leader Neptali Gonzales na hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng karahasan.

Nanawagan din si Gonzales sa mga otoridad na puspusan itong imbestigahan at tiyaking mahuhuli, makakasuhan at mapagbabayad sa batas­ ang mga may kagagawan ng pananambang kay Belmonte.

Si Belmonte ay chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

 

BELMONTE

HOUSE COMMITTEE

HOUSE MAJORITY

ILIGAN LONE DISTRICT REP

LAGUIN

LAGUINDINGAN HOSPITAL

MARCOS AGTINA ANDRES

MISAMIS ORIENTAL

NEPTALI GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with