Patay kay 'Ruby:' 9 sa NDRRMC, 22 sa Red Cross, 39 sa DOH
MANILA, Philippines - Hindi nagkakatugma ang talaan ng Red Cross at dalawang ahensya ng gobyerno ng bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong "Ruby."
Base sa datos na inilabas ngayong Miyerkules ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam ang kumpirmadong patay, kabilang ang pinakabago sa listahan na si Romeo Disparo, 72, ng Ajuy, Iloilo
Nauna nang ipinaliwanag ni NDRRMC executive director Alexander Pama na tanging mga kumpirmado lamang na nasawi ang kanilang ibinibilang.
Sinabi naman ni acting DOH Secretary Janette Garin kahapon sa isang panayam sa telebisyon na 39 ang naiulat sa kanilang namatay mula sa magkakaibang lugar.
Pero nilinaw ni Garin na kailangan pa nilang matiyak kung may kinalaman sa bagyo ang kanilang pagkamatay.
"The work of the DOH is to decipher whether the cause of death is typhoon-related or not," pahayag ng acting DOH secretary sa ANC.
Samantala, 22 ang bilang ng mga namatay ayon sa Philippine Res Cross (PRC).
Tinataya namang nasa P1.27 bilyon at P682.58 milyon ang halaga ng pinasala ni Ruby sa impastraktura at agrikultura.
- Latest