11 patay kay 'Ruby' - NDRRMC
MANILA, Philippines – Labing-isang katao ang kumpirmadong nasawi sa hagupit ng bagyong “Ruby,” ayon sa state disaster response agency ngayong Martes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tigatlo ang nasawi mula sa Cebu, Samar at Biliran.
Kabilang sa mga nasawi ang isang 14-anyos na lalaki na nakuryente, dalawang-buwang babaeng sanggol na nabagsakan ng puno.
Sinabi pa ng NDRRMC na may walo pang napabalitang nasawi ngunit kailangan muna itong matiyak ng Department of Health (DOH).
Ang unang dalawang naiulat na nasawi ay tinanggal sa listahan matapos malamang walang kinalaman sa bagyo ang kanilang pagkamatay.
- Latest