2 na patay kay 'Ruby'
MANILA,Philippines – Dalawa ang patay sa hagupit ng bagyong “Ruby,” habang higit isang milyong katao naman ang apektado, ayon sa state disaster response agency ngayong Lunes.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hypothermia ang ikinasawi ng dalawang biktima.
Base sa datos ng NDRRMC, 232,948 na pamilya ang apektado ng bagyo, kung saan 230,569 dito ang nananatili sa iba't ibang evacuation centers sa bansa.
Dahil sa lakas ni Ruby ay 16 na lalawigan ang walang kuryente at ito ay ang: Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Albay, Masbate, Sorsogon, Camarines Sur, Iloilo, Antique, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte , at Southern Leyte.
Dalawang beses na humapas sa kalupaan si Ruby at inaasahang mamayang gabi ay muli itong magla-landfall sa Northern Mindoro kung saan mararamdaman din ang epekto nito sa Metro Manila.
- Latest