^

Bansa

Doctors, nurse, dentists ikakalat sa depressed areas

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalaan ng pondong P12.7 billion ang gobyerno sa susunod na taon para sa ipapadalang 12,540 nurses, 5,749 midwives, 480 dentists at 398 doctors sa malalayo at mahihirap na lugar sa bansa.

Ayon kay Pasig City Rep. Roman Romulo, ang bagong pondo ay nakapaloob sa?P2.606-trillion General Appropriations Act for 2015, na idadaan sa Department of Health (DOH).

Umaasa si Romulo na dahil sa nasa­bing pagpapadala ng mga dagdag na tao sa pagbibigay serbisyong medikal ay maraming mahihirap na kababayan ang matutulungan.

Naniniwala rin si Romu­lo na makakatulong sa mga nurses at midwives ang makukuha nilang experience sa gagawin nilang pagbibigay serbisyo sa probinsiya sa kanilang pagta­trabaho sa Pilipinas at ibang bansa.

Sinabi ng mambabatas na ang karagdagang staffs ay itatalaga sa mga public hospitals, barangay health stations, at rural health units.?May mala­king bilang ang bansa ng mga nursing at midwifery gra­duates na naghaha­nap ng pagkakataon para ma­gamit ang kanilang tinapos na propes­yon habang maraming lugar naman ang kulang sa kinakaila­ngang health services.

Ang Professional Regulation Commission (PRC) ay nag-isyu ng lisensiya sa may 22,202 bagong nurses at 2,494 midwives ngayon taon.

Matatandaan na nitong nakalipas na linggo, nasa 30,000 nur­sing gra­duates, kabilang na ang repeaters, ang kumuha ng dalawang araw na Nur­sing Licensure Examination ng PRC.

Samantalang mara­ming Pilipino nurse at midwives ang pumasok sa ibang trabaho na malayo sa kanilang tinapos dahil sa kawalan ng posisyon para sa kanilang propes­yon.

 

ANG PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

LICENSURE EXAMINATION

MAGLALAAN

PASIG CITY REP

ROMAN ROMULO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with