^

Bansa

Corona, babasahan ng sakdal sa tax evasion case sa Lunes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang basahan ng sakdal ng Court of Tax Appeals si dating Chief Justice Renato Corona kaugnay ng kanyang tax evasion case sa Lunes, Disyembre 8.

Ang arraignment ay itinakda ng tax court matapos tanggihan nito ang apela ni Corona na ibasura na lamang nito ang kanyang kaso sa pagbubuwis.

Hiniling ni Corona na idismis ng Tax court ang tax evasion case dahil sa argumento na ang kaso na naisampa sa kanya hinggil dito ay hindi isang offense alinsunod sa Rule 117 ng Rules of Criminal Procedure.

Si Corona ay nahaharap sa tax evasion case bunga ng ‘di pagbabayad ng buwis na umaabot sa P120.5 milyon na paglabag sa Sections 255 at 254 dahil sa ‘di pagpa-file ng kanyang ITR at tangkang ‘di bayaran ang buwis sa gobyerno.

Sinasabing si Corona ay hindi nagdeklara ng lahat ng kanyang mga ari-arian batay sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALNs) tulad ng kanyang mga pera sa bangko, dalawang lupain, isang condominium unit sa Makati na may halagang P3.6 milyon na nabili noong 2004 at lupa sa Fort Bonifacio na nabili sa halagang P9.16 milyon noong 2005.

Si Corona ay natanggal sa puwesto dahil sa ginawang impeachment dito noong 2012. (Angie dela Cruz)

 

ANGIE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

COURT OF TAX APPEALS

CRUZ

DISYEMBRE

FORT BONIFACIO

RULES OF CRIMINAL PROCEDURE

SI CORONA

STATEMENT OF ASSETS LIABILITIES AND NETWORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with