^

Bansa

Basey Health Center kumpleto na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpletong naitayo ng Banco de Oro kasama ang Beiersdorf Philippines Inc., (NIVEA) ang dalawang palapag na gusali ng Basey Main Health Center na unang sinira ng bagyong Yolanda noong 2013. Ang katatayong Health Center sa kaba­yanan ng Basey ay nabuksan para sa mga mamamayan ng Western Samar noong Nobyembre 18, 2014.

Kumpleto rin ang nasabing municipal health center dahil bukod sa mga inilaang lugar para sa mga bata at matatanda, mayroon itong sariling dental at laboratory rooms, treatment and consultation rooms. Maging sa mga buntis ay mayroon din inilaang lugar. 

Mabebenepisyuhan nito ang 51 barangays  na kinabibilangan ng 52,000 katao. Ngayon ay daan-daang pasyente na ang naseserbisyuhan ng health center araw-araw.

Ang Basey Main Health Center ay isa sa pitong mahihirap na lugar na inabot ng BDO Foundation at NIVEA. Kasama sa formal turnover ceremony ang nasabing health center ay mga opis­yal ng Beiersdorf na pinangu­ngunahan ng Country Manager nito na si Thomas Alexander Schwieger, BDO Foundation  na pinamumunuan ni President Maureen C. Abelardo; representatives mula sa BDO Tacloban Branch Frank Garcia at local government officials na sina Municipal Mayor Hon. Igmedio “Junjie” Ponferada at iba pang opis­yal ng health center.

 

vuukle comment

ANG BASEY MAIN HEALTH CENTER

BASEY MAIN HEALTH CENTER

BEIERSDORF PHILIPPINES INC

CENTER

COUNTRY MANAGER

HEALTH

HEALTH CENTER

MUNICIPAL MAYOR HON

PRESIDENT MAUREEN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with